Ayun nga naka-ayon naman sa titulo kung anong meron sa araw na yun. Hahaha hang saya-saya damang-dama namin. Ngunit bago namin masilayan sila Mimi, kami muna'y nanood ng
play na ginanap sa SM Manila. Nakakalungkot isipin na sa pagpasok pa lang namin sa sinehan kung saan mo masasaksihan ang play, hindi pa kami umaabot ng 5 minuto sa loob at hindi pa nakakaupo ay bigla na lang itinigil ang play. Potah! hindi ba nakakaasar?! Ang masakit pa dito ang ticket ay nagkakahalagang Php 250.00, san ka pa?!
Sa halagang iyon nasaksihan namin ang:
- wala pa sa 1/4 na totoong kasama sa play
- ang pagsigaw ng isa sa mga aktor
- ang pagsigaw ng audience sa aktor na ang sinambit ay bumababa ka diyan!
ang panget mo!, Bastusin something
- pagsigaw ulit ng isa sa mga aktor na ang sinambit ay gago! di kami mga
bastusin!
- pagpatay ng staff sa ilaw na special effects kuno
- Pagdating ng guwardiya para palabasin ang mga walang saysay na nilalang
- At sabihin ng isa muli sa mga staff ang "Hindi na po natin
itutuloy ang palabas, maraming salamat po sa pagpunta."
Yan ang halaga ng Dalawang daan at limampung piso[Php 250.00] - kirsty
ang susunod na mababasa ay ita-type na ni Sheena.
Kahit pano..mabuting una na itong naganap (ang panget na pangyayari). kagad naming nilisan ang SM Manila upang tahakin ang daan patungo sa Cubao kung saan namin makakatagpo sila Mimi. sa totoo lang ay may halong pagdadalawang isip ang aking utak dito... dahil sa hindi ku pa talga nakaka-chat sila Mimi at ala akong ideya sa mga posibleng maganap.... pero, SIGE! tuloy lang!!! nang kami'y makarating na dun ay nahihiya pa kami... hindi namin maipakita ang aming kakengkoyan... at dahil na rin sa kadahilanang kami'y muling late, na ala ng kapaga-pag-asang maalis sa min. heheheh.... kasama ni Mimi si Sarah na kapatid ni Pia Romero. HAhahah!!!! Hiya talga kaming dalwa... buti na lang mababait silang dalwa..! Sobra! Agad kaming nagtungo sa bahay nila Mimi at dun kumain. Nakakaaliw talga!! makaran ang lang sandali ay dumating na sila Camz at Rheina! Mabait din silang dalwa. lahat sila! Nagkuhaan muna kami ng mga larawan at inihipan xempre ni Mimi ang kanyang keyk bago kami umalis. Ang bait din ng LOLA ni Mimi (tsalamat poh!). tinungo namin ang Robinsons at nagkuhan lit ng mga larawan! Aztig! Aliw at sobrang saya! Sayang at kinailangan ng umalis ni baby Sarah. Nanod kami ng sine pagkatapos. Skeleton Key Ayus lang! napanud na yun nila Camz at Rheina.. kaya nananakot nalang sila sa min. Matapos nun ay kinailangan na naming umuwi.. huhuh... Sana maulit muli yun... Katulad nga ng paulit-ulit kong nasasambit eh.. MASAYA nga kasi!!! lahat silang 4 masayang kasama. Hindi kami nagsisi na kami'y nagtungo dun!!!
To Mimi, Sarah, Camz, Rheina: LAB U!!! MWAH!! - sheena
WE LOVE YOU ALL!!! MUAH!!! hahaha lagalag muli!!!
Tuesday, August 23, 2005
Ang mga sumusunod na mga pangyayari ay naganap pa noong Agusto 21, 2005
12:18 AM