Wednesday, August 10, 2005

ANg Alindog ni KIRSTY

Ang mga sumusunod ay naganap 2 gabi na ang nakakaraan... nyahahaha :D

isang gabing pauwi galing sa aming paaralan...
pasakay na kami ng jip ni kirsty pauwi kasama ang kaibigang si jared... kakaunti lamang ang mga tao sa pila kaya naman singit kami agad sa unahan....
nang dumating na ang sasakyang jip ay nauna agad si kirsty sa pagsakay ako na sana ang sunod at si jared ng bigla kaming pinuwersa at hinarang ng kasabayang istudyante rin sa pagsakay para sya mauna....
HAhahahaha.... asar kami ni jared!!! nagulantang kami ng makitang tumabi ito kay KIRSTY!!!
kaya naman dun na ko sa dulo umupo at sumunod sa kin si jared... parang gustong umiyak ni kirsty at bigla nyang nasambit ang "JAred... dito ka..." ng parang sanggol... naawa yata si jared kaya napilitan syang lumipat at nagmistulang malaking hadlang para sa naakit ni Kirsty...!!!
Kwentuhan kami at nag-iingay sa aming byahe pauwi... at si Admirer naman ni pinsan ay nakikiepal at nakikiosyoso sa aming pag-uusap. lalo na nung biglang tumawa si Kirsty... tingin sya ng tingin kay pinsan at nakikitawa din.... nyahahahah!!!!!!!!!!! asar na asar si pinsan dahil wala naman daw yung potensyal tapos .....
nang makarating na sa amin ay nakatingin pa ito kay kirsty habang bumababa!!!!! lakas TAMA!!!!!
damang-dama ni kirsty!!!! na-miss nya ata pagbaba namin.... iba talaga pag ALINDOG ni kirsty!!!!

faalam... - Sheena :p

4:21 PM